RISING GLOBAL temperature, food insecurity, health issues, terrorism, and wars around the world are, undoubtedly, adversely affecting people’s lives. Such occurrences have been foretold by the Holy Scriptures as signs that the Second Advent of the Lord Jesus Christ is near. On that day, which is also Judgment Day, faithful servants of God will receive the promised salvation.
Thus, as God’s children, Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) members are instructed to stand up straight and look up or be strong in faith. Amidst hardships and tribulations, they carry on in their services to Him, unflinching in their confidence in God since they firmly believe that He will march with them as they fight for their faith. That is why they strive to fulfill God’s commands, just like what King Hezekiah of Judah did.
These were some of the points emphasized by Brother Eduardo V. Manalo, the Executive Minister of the Church of Christ, in his homily during the worship service he officiated at the Local Congregation of San Mariano, in the Ecclesiastical District of Sta. Rosa, Nueva Ecija. The holy gathering was streamed live to local congregations in different parts of the world commemorating their milestone anniversaries. After the hymn-singing, the congregation’s prayer was led by Brother Henry A. Capuno. Brother Romer D. Galang led the prayer after the preaching of the Executive Minister. The prayer for the voluntary offering was led by Brother Ernesto V. Suratos. The benediction was said by Brother Bienvenido C. Santiago.
The following are the brethren’s reflection on what they heard during the worship service—showing how God’s love was manifested in their lives as they held fast to their faith.
San Mariano, Nueva Ecija
Sinulat ni Mikayla Villanueva
“Habang nakikinig ako sa pagtuturo ng Tagapamahalang Pangkalahatan, naalala ko ang mga pagkakataong sinubok ako ng Panginoon, at kung paano naman Niya ako tinulungang magtagumpay,” wika ni Kapatid na Glenn Ermita, 44 taong gulang. Siya ay kalihim sa Lokal ng San Mariano, Distrito Eklesiastiko ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.
Aniya, ang kaniyang pagkakaaksidente noong 2010 ay naging sanhi ng isang spinal cord injury. Ayon kay Kapatid na Glenn, “Mahirap man ang araw-araw na buhay bilang isang may kapansanan, lalo sa tulad kong nawalan ng kakayahang maglakad, ngunit ako ay nakapananatili pa ring masiglang kaanib ng Iglesia Ni Cristo.”
Tuwing nahihirapan siya at nakararamdam ng panghihina, ang panalangin sa Ama ang nagiging sandigan niya. Bawat oras at araw na lumilipas ay lagi niyang hinihiling na bigyan pa siya ng lakas at huwag pabayaang manghina at manlupaypay.
Para kay Kapatid na Glenn, “Napakahalaga ng patnubay ng Diyos sa atin. Kaya naman hinihimok tayo ng Tagapamahalang Pangkalahatan na manatiling sumunod sa mga utos ng Panginoong Diyos.” Pahayag pa niya, “Dito ko lalong ibinubuhos ang aking lakas at atensiyon para sa kabila man ng aking kapansanan ay makapagdulot pa rin ako ng kaluguran sa ating Panginoong Diyos.”
Nang marinig ni Kapatid na Glenn ang pagtuturo ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay lalo pa siyang tumatag at lumakas dahil nauunawaan niyang anumang matitinding pagsubok ang kaniyang pagdaanan ay may Diyos na laging tutulong at mag-iingat sa mga lingkod Niya na ang ginagawa ay ang mga bagay na nakalulugod sa Kaniya.
Inspirasyon ni Kapatid na Glenn at ng mga kaanib ng Iglesia sa kanilang pagharap sa mga pagsubok at suliranin ang mga salita ng Diyos na itinuturo ng Pamamahala. Sumasampalataya sila na sa pamamagitan ng pagtulong ng Ama, malalampasan nila ang anumang pagsubok. Pangako ni Kapatid na Glenn, “Iingatan ko ang aking kahalalan at tutuparin ko ang aking tungkulin, ano pa man ang pagsubok na aking masasagupa.”
San Quintin, Pangasinan
Sinulat ni Ernesto Fonacier Jr.
Sa bawat pagyapak mula sa kanilang tahanan patungong gusaling sambahan, ang laging inaasam ni Kapatid na Epifania Pabroquez, na mas kilala bilang “Ka Panyang”, ay ang makatulong siya sa mga aktibidad sa kanilang lokal. Sa kabila ng katotohanang siya ay may edad na, ayon sa kaniya, “Sa awa ng Ama ay tila hindi ako napapagod lalo na sa tuwing ako’y tumutupad ng tungkulin,” pahayag niya. Si Ka Panyang ay diakonesa sa Lokal ng San Quintin, Distrito Eklesiastiko ng Rosales, Pangasinan.
“Tuwing araw ng pagsamba, gumigising ako nang alas-tres ng umaga at gumagayak na. Bitbit ang uniporme sa pagtupad, nagtutungo na ako mula sa aming bahay papuntang kapilya,” pagsasalaysay niya. Kahit madilim pa, at maging sa mga pagkakataon na masungit ang kalagayan ng panahon, hindi siya natatakot na bagtasin nang isang oras ang landas patungo sa dako ng pagsamba. Kapag naroon na, naglilinis muna siya ng kapilya bago igayak ang sarili sa pagtupad. Pagkatapos naman ng pagsamba, muli niyang binabaybay ang daang nilakaran niya upang makauwi.
Si Ka Panyang ay nasa piling ngayon ng kaniyang apo. Hindi sagabal sa kanila ang kahirapan upang makapaglingkod sa Panginoong Diyos. Sumasampalataya siyang lubos na ang Panginoon ang pumapatnubay sa kanilang paglalakbay. Wika niya, “Sa edad na 76 ay malakas pa ako. Kung nagawa kong malampasan, sa tulong ng Ama, ang mga matitinding pagsubok noon, iyon ay dahil patuloy lamang ang pagkapit ko sa mga pangako ng Ama.”
Sa patuloy na pagyapak ng kaniyang mga paa, hindi siya nawawalan ng pag-asa. Buong lakas at saya siyang humahakbang patungo sa sa Bayang Banal. “Ang mahalaga ay makatapos ako ng takbuhin upang matamo ang kaligtasang malapit nang igawad sa mga tapat na hinirang,” pahayag niya.
Alaguisok, Guimaras
Sinulat ni Rainheart Yanguas
Nagkapalad ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng Alaguisok sa Distrito Eklesiastiko ng Iloilo South na makasaksi sa pamamagitan ng livestreaming sa pagsambang pinangasiwaan ng Kapatid na Eduardo Manalo. Ginugunita ng lokal ang pagsapit ng ika-75 taon ng mga pagtatagumpay at pagpapala ng Diyos sa lokal mula nang ito ay maitatag.
Sa panahong nagtuturo ang Kapatid na Eduardo Manalo ay muling nanariwa sa isip ni Kapatid na Felixberto Yanguas, 73 taong gulang at diakono sa Lokal ng Alaguisok, ang mga karanasan ng kaniyang pamilya bilang mga unang kaanib sa lokal. Ibinahagi niya, “Ang mga magulang ko ay natawag sa Iglesia noong 1948 at isinilang naman ako noong 1950. May mga alalaala ako na isinasama nila ako noon sa mga pagsamba. Sa tuwing sasamba kami ay tumatawid kami sa ilog habang karga ako ng aking ama sa kaniyang balikat sapagkat malalim ang tubig na tinatawiran bago makarating sa dako ng pagsamba.” Hindi madali ang kanilang paglalakbay noon, ngunit hindi ito naging dahilan upang ang kanilang pamilya ay manlamig sa paglilingkod sa Diyos.
Si Kapatid na Felixberto, kasama ang kaniyang mga magulang, ay nakaranas din noon ng matitinding pag-uusig. May mga pagkakataon na kapag sila ay nagmimisyon ay hindi naging mabuti ang pakikitungo sa kanila ng mga hindi kaanib ng Iglesia Ni Cristo. Pagsasalaysay niya, “May mga pagkakataon na kami ay sinisigawan at tinutungayaw ng aming mga inaanyayahan. May mga pagkakataon din noon na sa dako kung saan kami nagmimisyon ay binabato kami. Subalit nagpatuloy pa rin kami.”
Mula pa noon ay sinasampalatayanan na ni Kapatid na Felixberto ang isang bagay na muling ipinaalaala ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa pagsambang kaniyang pinangasiwaan—na ang Diyos ang humahayo sa unahan ng Kaniyang mga hinirang at Siya ang lalakad na kasama nila. Pahayag ni Kapatid na Felixberto, “Ang pinanaligan namin noon at patuloy naming pinananaligan hanggang ngayon ay hindi kami pababayaan, bibitiwan, o bibiguin ng Diyos. Kaya, ang aming sambahayan, bilang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ay hindi mababahala o uurong anuman ang aming masagupa.”
Estevan, Saskatchewan, Canada
By Kresten Jucutan
In this world full of sadness and persecutions, hardships are inevitable, which require many sacrifices. Even we, members of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), also face difficulties in this world, just like everyone else. But with the help of our Almighty God and His guidance through the Church Administration, we are able to remain firm in our faith and trust in the Lord God. We are always reminded that there are no sacrifices that are ever in vain in the eyes of our Almighty God.
Sister Joy Jucutan, a deaconess in the Local Congregation of Estevan in Canada, shared one of her experiences as she fulfilled her duty inside the Church. Her family travels for an hour to reach the house of worship. She recounts, “The night before our Holy Supper on March 10, 2023, a snowstorm hit. We were already on the road by then. It was really bad, to the point that cars were stuck in the middle of the road. The snow was up to our knees and there was zero visibility. We were coming from a town far away from the place of worship. My family and I were fortunate enough to reach the town of Estevan where our place of worship is. One of our sisters in the local congregation willingly let us spend the night in her home just before the storm worsened, so we could fulfill our duties and partake of the Holy Supper the next day.”
Because of her utmost trust and faith that our Almighty God will never forsake them, she stated, “Even with the big snowstorm, the next day after the Holy Supper in our local congregation, we felt confident to travel and perform our duties again in the Group Worship Service of Yorkton, which is three hours away. We were able to make it and fulfill our duties peacefully to serve and glorify the Almighty God. We were certain that even with those hindrances, the Almighty God sees our sacrifices and most especially, our heart.”
As the Local Congregation of Estevan celebrates its fifth anniversary of establishment, Church members of this local congregation are firm in their resolve that no matter what they may face in life, they will continue to fulfill their God-given duties. They firmly believe that their sacrifices will never be wasted, for God reserves blessings for His faithful servants.