IN FACING the coming challenges of the new year, which will surely be even more daunting than they have ever faced before, the members of the Church Of Christ (Iglesia Ni Cristo) are reassured by the Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, of God’s promise to His chosen people. Since those who are inside the true Church are God’s chosen people in the last days, they can feel safe and secure, and they can confidently expect that God will protect them.
This was part of the Scripture-based homily of Brother Eduardo Manalo during the worship service he officiated at on January 13, 2023 in the Local Congregation of Guagua, Ecclesiastical District of Pampanga West, during which 30 new ministers were ordained. The Ecclesiastical District of Lanao, together with 16 local congregations in the Philippines and a number of local congregations, extensions, and group worship services (GWS) outside the country, also celebrated their milestone anniversaries.
“My father is a minister, so I grew up seeing what a minister went through every day. At the time, I thought that since I had lived this kind of life before, I was ready to take on the task that would be given to me,” Brother John Bryan Red, one of the newly ordained ministers currently assigned in the Ecclesiastical District of Quezon City, recalled. “I was assigned as a resident ministerial worker to a congregation located in a remote area in Marinduque. The streets were poorly lit and houses were distant. As a human, I felt worried at first. But, instead of dwelling on such feeling, I held on to God’s teachings as inspiration. As Brother Eduardo Manalo taught us, ‘God’s mercy and grace will help us accomplish our tasks.’”
Another newly ordained minister, Brother Allen Rae Felipe shared, “I have faced many problems and difficulties in performing my duties inside the ministry but God has never forsaken me. Just like what Brother Eduardo V. Manalo taught, blessed are the ones who have faith, hope, and trust in God. Whatever challenges and hardships we may experience in this life, God will never abandon us. I know that upon returning to my local assignment, I will face new challenges and trials but I faithfully believe that these situations will all the more strengthen me especially in performing my duties so that I can effectively help the Church Administration in whatever task that will be entrusted to me.”
Before Brother Eduardo Manalo began the lecture, Brother Randy M. Samson led the opening prayer. Brother Romer D. Galang led the closing prayer after the homily, and Brother Bienvenido C. Santiago led the benediction.
Here are more accounts of the brethren who also attended the pastoral visitation of the Executive Minister:
Guagua, Pampanga West
By Francis Rowen Yusi
Losing a loved one may be one of the most devastating events in anyone’s life. Brother Cedrick Jamero, a newly ordained minister, considers the death of his father while he was studying in the ministry, a difficult test of faith.
“It was in 2018 when I received the news that my father had passed away. I was a ministerial student back then,” Brother Cedrick recalled. They were five siblings, all students then. Like him, his two other brothers, were also ministerial students in their respective local congregation assignments. The only ones left in their home to attend to their father when he was ill, before his demise, were his mother and two sisters. “I was assigned back in the Local Congregation of Pinugay, Rizal. I just came from a Church activity when I read the messages from my sisters that they had to rush our father to the hospital. I went to the hospital, too, but when I arrived, my father has already passed away,” he continued.
Even with a broken heart and confused, his trust and faith in God remained. “Trusting our Lord God, having faith in what He can do, and praying fervently were how we were able to surmount that test. Without a doubt, it was only through God’s help that we were able to survive. God did not abandon us.”
Brother Cedrick is now assigned in the Local Congregation of Calawis, Ecclesiastical District of Rizal. He now has his own family, as he is married now to Sister Ree-An, and they now have a daughter, Cadey Felisse. He is still certain that amidst all the trials and problems that he will experience, he will always look up to our Lord God. “He will help, guide, and support us whatever challenge we will encounter. In performing our Church duties, challenges and hindrances are inevitable. Nevertheless, if we have faith, trust, and hope in our God, He will protect and support us,” he shared.
Remembering the lesson he just received in the worship service, he contemplated the miracles God had worked in him and his family’s life. Truly grateful to the Father, the Almighty God, Brother Cedrick said, “Like what our Executive Minister taught us, we must always put our hope in our Lord God. Nothing is impossible for our Lord God.”
Bangko, Lanao
Sinulat ni Gina Taping
Kabilang sa mga pioneer members ng Lokal ng Bangko ang mag-asawang sina kapatid na Fructoso Tautho at Antonia Pilones. Si Kapatid na Fructoso, 87 taong gulang, ay isang diakono at misyonero noong nagsisimula pa lamang ang Iglesia Ni Cristo sa Distrito ng Lanao samantalang si Kapatid na Antonia, 88 taong gulang naman, ay isang diakonesa.
Bilang misyonero, hindi naging madali ang pagtupad ni Kapatid na Fructoso ng kaniyang tungkulin. Nakaranas siya ng mga pagsubok, sa kabila ng mga ito ay lalong tumatag ang kaniyang pananampalataya at paninindigan. “Sa aming pagmimisyon ay nakaranas kami na nanganib ang aming buhay. May isang pagkakataon bago kami umalis sa tahanan ng aming minimisyon matapos ang pagtuturo ng mga salita ng Diyos ukol sa kung sino ang tunay na Diyos at alin ang Iglesiang ililigtas ay bigla siyang nagalit, at naglabas ng karit, at ipinilit niya na si Santa Maria lamang daw ang kanyang sasambahin,” kwento ni Kapatid na Fructoso.
Sa pagkakataong iyon ay napatayo siya. Mabilis at tahimik siyang nanalangin na iligtas nawa sila ng Panginoong Diyos sa kapahamakan. Sa awa at tulong ng Ama ay ligtas at payapa silang nakauwi. Ang pangyayaring ito ang isa sa mga lalong nagpatatag kay Kapatid na Fructoso sa pagtupad ng kaniyang tungkulin. “Kahit ano pa ang aking maranasan, lagi kong pinanghahawakan ang pangako ng Diyos. Kahit madalas, mabigat ang pagdadala ng buhay, lagi akong nakatingin sa biyayang matatamo sa Araw ng Paghuhukom.”
Ganito rin ang paninindigan ni Kapatid na Antonia. “Maraming mga pagsubok at pag-uusig akong naranasan, mahirap man ang buhay pero masaya akong tumutupad ng aking tungkulin dahil alam kong may Diyos na tutulong sa akin,” pahayag niya.
Bukod sa pag-uusig ay naging hamon din sa kaniyang pagtupad ng tungkulin ang isabay ang pangangalaga sa kaniyang mga anak noong maliliit pa sila. Sinikap niya na huwag makapagpabaya sa tungkulin sa Diyos kaalinsabay ng pagganap niya ng mga responsibilidad sa kanyang mga anak. Naisalin ni Kapatid na Antonia sa kaniyang mga anak at mga apo ang mataas na pagkakilala sa tungkulin; dahil dito, sila man ay mga masisiglang maytungkulin sa kanilang lokal.
Bagaman mahina na ang katawan at halos hindi na makalakad, sinisikap ni Kapatid na Antonia na huwag makaliban sa pagsamba. Sa tulong ng kaniyang mga mahal sa buhay, isinasakay siya sa wheelchair upang makapunta sa kapilya.
Kabilang sina Kapatid na Fructoso at Antonia sa mga mapalad na nakasaksi sa pagsambang pinangasiwaan ng Kapatid na Eduardo V. Manalo sa pamamagitan ng live streaming, kasabay ng paggunita sa mga milestone anniversary ng mga lokal kasama na ang Lokal ng Bangko, Distrito ng Lanao na sumapit sa kaniyang ika-70 anibersaryo. Masayang-masaya rin ang kanilang kalooban dahil sa nasaksihan nila ang paglago at pag-unlad ng Iglesia sa kanilang bayan, kasama na rito ang pagkakaloob sa kanilang lokal ng isang maganda at bagong gusaling sambahan na itinalaga sa Diyos noong Hunyo 25, 2022, na ito ay ipinagpapasalamat nila sa Diyos.
Sta. Fe, Cebu
Sinulat ni Yvette Louise Palomares
Habang papalapit sa kaligtasan, lalong tumitindi ang mga pagsubok na nasasagupa ng mga tao. Patuloy na tumataas ang mga bilihin, laganap ang karahasan at kasamaan, at patuloy ring nananalasa ang mga kalamidad na sumisira sa buhay at pamumuhay ng tao. Dahil dito, may mga tao na hindi alam ang kanilang gagawin, at halos mawalan na ng pag-asa.
Ganito man ang karanasan ng maraming tao sa daigdig, ngunit hindi naman nakilos ang pananampalataya at pag-asa ng mga kapatid sa Lokal ng Santa Fe, Distrito ng Bogo City, Cebu. Isang hindi malilimutang karanasan para sa mga kapatid na sila ay makasama sa mga nagkapalad na makasaksi sa pagtuturo ng Tagapamahalang Pangkalahatan, Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Lubos na kasiyahan ang naramdaman nina Kapatid na Thelma at Gil Batobalonos sapagkat kasama sila sa mga nakasaksi sa pangangasiwa ng Kapatid na Eduardo Manalo. Ayon kay Kapatid na Thelma, “Masaya kami na isa ang aming lokal sa mapalad na pinangasiwaan ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan. Kahit sa pamamagitan iyon ng livestreaming, tunay na naramdaman namin ang kaniyang napakamabiyayang pangangasiwa. Walang masidlan ang kasiyahan na aming nadarama.”
Dagdag naman ni Kapatid na Gil, “Nang dahil sa mga aral ng Diyos na itinuro sa pamamagitan ng Tagapamahalang Pangkalahatan ay mas lalong napatatag ang aming pananampalataya.” Sina Kapatid na Thelma at Gil ay kasama sa mga matatagal nang nakatala sa lokal at mga masisiglang kaanib. Si Kapatid na Gil ay nabautismuhan noong 1965, samantalang si Kapatid na Thelma ay noong 1966. Simula pagkabata ay nasa loob na sila ng Iglesia Ni Cristo.
Marami na rin silang napagdaanang kahirapan, pag-uusig, at iba’t ibang mga pagsubok sa kanilang buhay. Ngunit hindi naging dahilan ang mga iyon upang sila ay tumigil sa kanilang mga paglilingkod sa Panginoong Diyos. “Bilang mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo, dapat na patuloy nating isabuhay ang mga utos ng Panginoong Diyos. Anumang mga pagsubok ang dumating sa ating buhay ay huwag na huwag tayong bumitiw, bagkus ay lalo pa nating panghawakan nang mahigpit ang ating kahalalan at manalig sa magagawa ng Diyos. Dapat ay ipagpatuloy natin ang ating mga paglilingkod kasama ang ating pamilya hanggang sa wakas sapagkat tiyak nating matatamo ang buhay na walang hanggan kapag tayo ay patuloy na magpapakatapat.” Sabi ng Kapatid na Thelma.
Hindi lang sina Kapatid na Thelma at Gil Batobalonos, kundi maging ang mga kapatid sa lokal na ito ang patuloy na nananalig at nagtitiwala sa mga pangako ng Panginoong Diyos sa Kaniyang mga hinirang. Bagama’t palubha nang palubha ang nagiging karanasan ng mga tao dito sa mundo, na kahit maging ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay hindi nakakaiwas dito, ay nagiging dahilan naman ang mga ito upang lalo pang manghawak ang mga hinirang ng Diyos sa Kaniyang pangakong biyaya pagdating ng dakilang araw. Mamamalaging inspirado ang mga kapatid sa Lokal ng Santa Fe sa kanilang mga paglilingkod sa Panginoong Diyos hanggang sa tamuhin ang pangakong kaligtasan.