THE HOLY SCRIPTURES have long foretold that as the world reels towards its end, life will become more difficult. Nevertheless, members of the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), being God’s servants, have been prepared beforehand. Through the guidance of the Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo, whom God has given the administration to lead His nation in these times, the brethren are able to withstand whatever calamities they face. Fully equipped with the words of God taught to them, they fight the good fight of their faith, battling adversities and temptations, so as to make it to the end and attain the reward they are longing for—the blissful everlasting life in the Holy City.
Many brethren were blessed to be able to attend the worship service officiated by the Executive Minister at the house of worship of the Local Congregation of Deparo, Ecclesiastical District of Caloocan North. The worship service was livestreamed to other local congregations in different parts of the world commemorating their milestone anniversaries. Also in this holy occasion, 28 ministerial workers were ordained.
The opening prayer was led by Brother Ariel B. Barzaga, the supervising minister of the Ecclesiastical District of Caloocan North. After the preaching of Brother Eduardo Manalo, the closing prayer was led by Brother Romer D. Galang. Brother Bienvenido C. Santiago led the oath-taking of the ordinands; the prayer after the laying on of hands by the Executive Minister was led by Brother Arnel R. Canicosa. The prayer for the voluntary offerings was led by Brother Ernesto V. Suratos. Brother Angelo Eraño V. Manalo said the benediction.
During his homily, Brother Eduardo Manalo exhorted the brethren to walk in resilient faith no matter what situation they may be in, for God will not forsake them.
The following are some of the brethren’s reflection on the words of God taught by the Executive Minister during this holy occasion—exhibiting resilient faith in God whatever situation they were in.
Deparo, Caloocan North
By Jury Verano
In the bustling community of San Agustin, Novaliches, Quezon City, a story of faith unfolds from the Sepuesca family—a touching story of transformation, challenges, and unwavering devotion to the Church Of Christ. Sister Yuri Sepuesca, a deaconess, shared her journey from a Catholic background to becoming a stalwart member of the Church.
In 1995, Yuri and her husband, Brother Eduardo Sepuesca, fondly called as Brother Ed, converted from being Catholics to devoted members of the Church Of Christ. It all began when Brother Ed’s friendships with some people in San Agustin led him to an evangelical mission, where the couple found a spiritual home that resonated within their hearts.
The couple’s immersion into the Church Of Christ was not just a change in religious affiliation; it marked the beginning of a life dedicated to serving God within the true faith. Sister Yuri embraced the duty of a deaconess in the Church, contributing to the spiritual growth of the congregation. She said, “I accepted a sacred duty to further make my membership in the Church Of Christ meaningful. This duty is more significant than my life.”
The Sepuesca family, now registered in the Local Congregation in Deparo, faced an intense trial in 2022 when Brother Ed fell severely ill. After a mild stroke, he battled kidney failure, necessitating urgent dialysis. Despite the challenge, the family persevered, with Sister Yuri and her youngest daughter, Sister Yumicko, taking turns caring for Brother Ed while ensuring their commitment to Church activities.
The news of the Executive Minister’s visit brought immense joy to Sister Yuri. The anticipated visit became a symbol of hope and blessing for the family. In anticipation of the Executive Minister’s visit, the Sepuesca family participated in the process of preparing and cleaning the congregation’s house of worship. They held a week-long devotional prayer and helped in meticulously organizing everything for the significant occasion.
During the visit, Sister Yuri listened closely to the biblical teachings of the Executive Minister. “I remember what the Executive Minister said that for us to be saved, we must not allow anyone to twist the faith we have received from our Lord God,” she said.
The message emphasized the need to entrust oneself to God amid life’s twists and turns. It was a powerful reminder that resonated deeply with Sister Yuri, which fortified her faith.
In all, as Sister Yuri passionately conveyed her steadfast dedication. She said, “I am wholeheartedly committed to supporting every endeavor led by our Executive Minister.” With conviction, she added, “I will actively participate in the noble efforts of the Church in the field of edification and propagation until my last breath, as I am proud to be a member of the Church Of Christ.”
Sta. Barbara, San Carlos City Pangasinan
Sinulat ni Zarah Jane Somera
Dahil sa pagmamahal, awa, at tulong ng Diyos ay nakasapit ang Lokal ng Sta. Barbara, Distrito Eklesiastiko ng San Carlos City, Pangasinan, sa ika-85 anibersaryo ng pagkakatatag nito. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lokal na ito ay nagkapalad silang makadalo, sa pamamagitan ng livestreaming, sa pagsambang pinangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo Manalo.
“Sa pagtuturo ng Tagapamahalang Pangkalahatan mula sa Biblia ay nagpaalala siya na dapat ay natitiyak nating nababantayan ang ating pananampalataya dahil ang ating kaaway, ang diablo, ay parang leon na naghahanap ng kaniyang masisila. Ang diablo rin ay gumagamit ng iba’t ibang pandaraya at pamimilipit sa mga aral na tinanggap natin mula sa Sugo at sa Pamamahala upang tayo ay papanghinain at huwag tayong sumampalataya sa aral na ating narinig,” pahayag ni Kapatid na Imelda Disipulo, 81 taong gulang at isang masiglang diakonesa sa Lokal ng Sta. Barbara. Dagdag pa niya, “Upang huwag tayong manghina sa ating pananampalataya, ibinilin ng Kapatid na Eduardo Manalo na dapat tayong maging seryoso sa mga aral ng Biblia na itinuturo sa atin, lalo na sa ating mga pagsamba. Sa pagsamba ay naririnig natin ang mga aral at kalooban Niya na nagpapatatag at nagpapatibay ng ating pananampalataya.”
Bagama’t sa napakaraming taon ng pagdadala ni Kapatid na Imelda ng tungkulin ay nakaranas siya ng mga pagsubok na ang marami ay mabibigat pa, kailanman ay hindi siya kinakitaan ng panghihina sa pananampalataya. Bagkus, hanggang ngayon ay patuloy niyang itinataguyod ang kaniyang banal na tungkuling tinanggap sa Diyos sapagkat narito ang kaniyang kaligayahan. Sa Diyos nakalagak ang kaniyang pag-asa. “Upang mapabuti tayo ay manatili tayo sa pagsunod sa lahat ng mga utos ng Diyos,” buong paninindigang pahayag niya.
Bunga ng pananampalataya ni Kapatid na Imelda na naisalin niya sa kaniyang buong sambahayan, ayon sa kaniya, “Panatag ang aming buhay, masaya ang pamilya, walang agam-agam.”
Isa lamang si Kapatid na Imelda sa maraming mga maytungkulin at kaanib ng Iglesia Ni Cristo mula sa Lokal ng Sta. Barbara na makapagpapatotoo na kailanman ay hindi pababayaan ng Diyos ang mga lingkod Niyang tapat at masunurin, dumaan man sila sa matitinding sitwasyon ng buhay. Kaya sa loob ng 85 taon, sa kabila ng maraming pagsubok, ang Lokal ng Sta. Barabara ay nananatiling matatag sa pananampalataya.
Alianza, Valladolid, Negros Occidental
Sinulat ni Honey Ella Arobo
Sa pagsapit ng ika-75 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang lokal, ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Lokal ng Alianza ay lubos na nagpapasalamat sa Panginoong Diyos na sila ay nagkapalad na makadalo sa pamamagitan ng livestreaming sa pagsamba na pinangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Tunay na kinasabikan ng mga maytungkulin at mga kapatid sa Lokal ng Alianza na kanilang marinig ang mga salita ng Diyos na itinuro ng Tagapamahalang Pangkalahatan. “Sabik kami na makasaksi ng live na pagsamba na mismong ang Kapatid na Eduardo Manalo ang nagtuturo. Ito ay malaking biyaya para sa aming lokal,” saad ni Kapatid na Ginalyn Calip, isa sa mga tumupad bilang mang-aawit sa mabiyayang pagsamba.
Sa kaniyang pagtuturo, binigyang-diin ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang lagi niyang ipinapaalaala sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na kailangang maging matatag sila sa pananampalataya upang mapagtagumpayan nila ang lahat ng mga pagsubok at pag-uusig na maaaring dumating sa kanila.
Ang pagiging matatag sa pananampalataya ang naging sandata ng mga kaanib ng Iglesia sa Lokal ng Alianza sa pagharap sa mga hamon sa buhay kaya naitaguyod nila ang kanilang paglilingkod sa Diyos sa loob ng 75 taon mula nang matatag ang kanilang lokal.
Isa sa mga inabot na ng katandaan sa loob ng Iglesia Ni Cristo sa lokal na ito ay si Kapatid na Nemesio Amardecer Sr. Ganito ang kaniyang paglalahad tungkol sa kaniyang paninindigan: “Sa matandang gulang ko na ito ay hindi na bago sa akin na magdaan sa mga hirap, subalit bilang tao ay mahina lamang tayo. Gayunpaman, ang aking pananampalataya sa Diyos ang siyang aking pinanghahawakan.”
Ganito naman ang pahayag ni Kapatid na Alfredo Matullano, pangulong diakono, sa narinig niyang mga salita ng Diyos mula sa pagtuturo ng Namamahala, “Mas lalo pang tumatag ang aking pananampalataya sa magagawa ng Diyos sa aking buhay, at napatatag pa ako sa pagtataguyod ng aking tungkulin.”
Sa pagsapit ng kanilang lokal sa ika-75 taon, kalakip ng kanilang paggunita ay ang kanilang pangangako ng paninindigan sa panig ng Diyos. “Buo po ang aking pasiya na mananatili ako sa loob ng Iglesia at mamamalaging nasa panig ng Diyos. Sa Kaniya ay laging tatawag at kailanman ay hindi magbabago sa aking pananampalataya,” pahayag ni Kapatid na Marcelo Arevalo, kabilang sa pamunuan ng lokal. “Habambuhay akong maglilingkod sa Diyos at hinding-hindi po ako hihiwalay sa Kaniyang Iglesia,” wika ni Kapatid na Jorge Balceda, isang diakono.
Ang pagsapit ng anibersaryo ng kanilang lokal ay hindi lamang nagbunsod ng isang masayang selebrasyon. Higit sa pagdiriwang ay ang paggunita nila sa lahat ng kabutihan at walang hanggang pagmamahal ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesucristo na ipinadama sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa dakong ito. Hayag na hayag sa kanilang lokal ang patnubay ng Diyos sa mahigit na pitong dekada na taglay ng mga kaanib ang matatag na pananampalataya.